bulong mula sa himpapawid, tanging iyong pangalan dinadangal tuwing gabi.
ang pusong di maipaliwanag, dinadamdaman, tanginging bitwin ang nakakaalam.
sa pag sigaw ng iyong pangalan sa bitwin tuwing gabi, mga salitang matatamis lumalabas saaking labi.
ako'y hindi mapapagod sa pag banggit ng iyong ngalang, mapa gabi't umaga paman.
sa bitwin, isisigaw aking damdamin. sana'y isigaw mo din, aking ngalan.
hindi mag hahangad ng kapalit, tanging presensya mo lamang siyang mag bibigay lakas saakin.
patawarin sa sandaling pag pasok, sa buhay mong nananahimik, baka sakaling ako'y iyong kailangan?
isang dilag na mahal ang kaniyang tula, ako'y hangal sa pag ibig ng isang ginoong may ayaw saakin.
sa huni ng bitwin, sana'y 'ngalan ko'y maibangit. pero tanging huni lamang ng mga guni-guni aking maririnig.
isang ginoong nakuha aking atensyon, parang bitwin na kumikinang kasama ang buwan.
isa kang 'iba'. ikaw ay naiiba, pero bakit iyong tenga di marinig?
sa pag sigaw ko ng bitwin tanging boses ng isang paraluman ang sumasagot saakin, sa ilalim ng bilog na buwan.
isang paraluman na mula sa iyong panaginip, sinisigaw mo sa bitwin.
ako'y isang binibining walang laban kundi umiyak at makipag kwentuhan lamang sa bitwin.
sana'y ako nalang 'yon, sana'y sumagi manlang sa isip mo ang pangalan.
ako'y nag dadalamhati, kailan ko ba masasabi saiyong ikaw na ang aking tahanan?
ang bitwin, kilala ka na. pero ako hindi kilala nito. tanging pangalan mo'y binabanggit mag-damag, hindi ko na naisip sarili ko.
sa bitwin ko nalang iaasa ang lahat, tanging siya ang may alam ng lahat. wag kang mag alala, sa dilag na walang pag asa.
ako'y anak ng bitwin, sana'y sa susunod kunin niya na rin ako.
ika'y wag mangamba, wala lang ito, sana'y iyong magustuhan, itong tulang iyong nababasa.
writer — moi nogar
Comments